Kasaysayan at Genealogy
Pamilyang Moral sa Pilipinas
Kasaysayan
“Ang mga orihinal na ninuno ng pamilyang Moral sa bansa bago at habang ipinamamahagi ang apelyido sa catalogo ni Claveria ay binubuo ng angkan ng Bourbon, crypto-Jews at dugong Sephardic Jews. Kahanay nito ang ilang pamilya ng mga Nieves sa Bikol na itinuturing ding malayong kamag-anak. Tanging may dugong Sephardic Jews lamang ang pwedeng gumamit nito upang mapanatili ang blood lineages sa sumunod na henerasyon kung kaya’t bukod sa apelyido, bawat angkan ng Moral ay magkaugnay rin ang kasaysayan at pinagmulan. Bagamat hindi na nabanggit, lumalabas din na ang pamilyang Bourbon ay mula rin sa lahing Sephardic Jews lineage.” Ang mga ninuno ng Moral ay dumating sa bansa sa pagitan ng taong 1800 A.D.-1850 A.D. Dalawang grupo ito na parehong nagmula sa bansang Espanya. Ang unang grupo ay binubuo ng mag-asawang unang nanirahan sa Bikol noong unang bahagi ng taong 1800’s. Bagamat hindi na natukoy ang kanilang pangalan, sila’y nagkaroon ng mga anak. Panganay ay si Maria Moral, isang lalaki na ipinanganak noong taong 1810 sa Quipia (ngayon ay kilala bilang bayan ng Jovellar), Albay. Lumipat ang kanilang pamilya sa pamayanan ng “Naylog” na bahagi ng Visita de Cajidiocan sa isla ng Sibuyan noong taong 1820’s. Si Lolo Maria ay may mga kapatid na namatay sa nasabing isla. Patunay rito ay ang isang rehistro mula sa simbahan na tumutukoy kina Adriano at Rodrigo na namatay noong maliit pa lamang. Ang pamilya ni Maria Moral ay kasama sa nagpapalaganap ng isang sinaunang relihiyon na tinatawag na “Judaismo.” Ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay nakapag-asawa mula sa angkan ng mga “Rovira” sa isla ng Sibuyan. Palaisipan sa ngayon kung patuloy pa ring isinasagawa ng kanilang salinlahi ang relihiyong Judaismo. Bukod sa mga magulang ni Maria Moral, mayroon pa silang kasamang grupo o ibang pamilya na nagpapalaganap ng ganitong relihiyon noon sa Bikol. Si Maria Moral ay namatay sa Jovellar, Albay noong taong 1930.
Samantala, ang ikalawang grupo naman ng mga ninuno ay nag-umpisa sa pagitan ng taong 1830’s-1840’s noong si Mr. Montequer ay nagkaroon ng misyon sa Pilipinas. Si Montequer ay si Prinsipe Francisco de Paula na apo ni Haring Carlos IV na taga-Madrid, Espanya. Dahil sa misyong ito, hiningi niya sa monarkiya ng Madrid na mag-recruit ng mga tauhan. Pinili niya ang isang lugar sa kanilang bansa na balwarte ng kanyang yumaong lolo na si Haring Carlos IV. Ito ay matatagpuan sa municipio ng “Mucientes” sa probinsiya ng Valladolid. Ang namuno sa pag-recruit ng mga tauhan noon ay si Kap. Lazaro Moral na pinsan ni Isabel (real name, Prinsesa Luisa Isabel Ferdinanda). Matapos mag-recruit ay isinanay nila ito sa nasabing lugar para maging sundalo. Bukod sa Madrid, isinaalang-alang din sa kasaysayan ng ikalawang grupo na mayroon pang sumamang opisyal mula sa ibang probinsiya ng Espanya na kamag-anak at kaibigan ng monarkiya ng Madrid. Ang ilan sa miyembro ng angkan ng mga Bourbon mula Madrid ay sumama rin bilang sundalo at mangangalakal.Ang mga ninuno (i.e. kabilang sa unang henerasyon) sa ikalawang grupo ay sina Marcelina (pinakamatanda), Fernando, Damian, Inocencio, Alfonso, Lazaro, Isidarorico, Isabel, Anastacio, Agapito, Ambrosio, Julian at Hilario. Ang mga magulang ni Don Fernando ay sina Mr. Montequer (real name, Prinsipe Francisco de Paula) at Princesa Luisa Carlotta Maria Isabella. Ang apelyido na “Montequer” (Mon.te.kyer) ay hango sa apelyidong Pranses. Sina Lazaro at Isabel (real name, Princesa Luisa Isabel Ferdinanda) ay magpinsan. Si Lazaro rin ay kamag-anak ni Maria Moral (kabilang sa unang grupo). Hindi na nabanggit ang iba pang detalye para sa kaugnayan ng iba pang ninuno. Ang ikalawang grupo, bagamat magkaibang taon na dumating sa Pilipinas, mas nauna sina Mr. Montequer, Lazaro at iba pa. Nagkaroon ito ng misyon mula sa monarkiya ng Espanya na tugisin ang mga piratang Moro sa Legazpi, Albay. Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda dumating sila sa bansa noong 1840’s. Inipon ni Kap. Lazaro ang ilang mga local guardia civil noong itinayo nila ang unang headquarters o military camp sa Sitio Medalla Milagrosa, Brgy. San Vicente, Quipia, Albay. Ang ilan sa mga ninuno ay nagtayo ng mga tirahan at naging mangangalakal sa nasabing rehiyon. Sumunod ng ilang taon, dumating din ang grupo nina Fernando kasama sina Isabel at iba pa sakay ng barkong S/S No.7 “Manzanares.” Pagdaong ng Maynila, naging panauhin sila ni Gob.-Hen. Narciso Claveria sa Intramuros.Pagkalipas ng ilang araw, nagtungo sila sa Bikol sakay pa rin ng Manzanares. Gaya ng nauna, ang ilan ay naging mangangalakal at sundalo ng pamahalaang Espanyol. Bahagi ng pakikipagkalakalan ng mga Espanyol ang pagmimina ng ginto sa Sibuyan at maging sa ibang bahagi ng bansa kung kaya’t ang ilan sa mga ninuno natin ay nakabili ng mga lupain mula sa mga mayayamang angkan ng Nayve sa Bikol. Bukod sa mga nasabing rehiyon, lumawak ang naging saklaw ng kanilang pakikipagkalakalan at umabot pa ito sa rehiyon ng Silangan at Gitnang Visayas, ilang parte ng Mindanao at bahagi ng Luzon. Kasama nila sa pakikipagkalakalan ang proteksiyon mula sa pamahalaan ng Espanyol dahil sa panahong ito aktibo ang pamimirata ng mga Moro at ilang katutubo. Kasabay ng pakikipagkalakalan at pakikidigma ng mga ninuno ng pamilyang Moral ay ang pag-aasawa sa iba’t ibang dako ng bansa. Kagaya na lamang ni Lazaro na napangasawa si Pascuala Nacional ng Guinobatan, Albay. Pinili nilang manirahan sa Brgy. Ilawod sa nasabing bayan. Si Isabel naman ay napangasawa ni Calixto Nayve na naging gobernadorcillo sa bayan ng Camalig, Albay noong 1850’s. Napangasawa naman ni Inocencio ang isang dilag mula sa angkan ng Jacob sa Bikol at nagkapamilya ito sa Barrio Libod, Camalig, Albay. Si Marcelina naman, pinakamatanda sa lahat, ay nagkapamilya sa Libmanan, Camarines Sur. Bukod sa Bikol, tatlo sa mga ninuno ay nakapag-asawa sa bahagi ng Luzon kagaya nina Fernando at Alfonso na parehong nagmula sa angkan ng mga Arciaga ang napangasawa at Agapito na mula naman sa angkan ng mga Angara sa Casiguran, Aurora. Napangasawa ni Fernando si Doña Agripina Tensuan Arciaga na ang patriyarka nito ay tubong Muntinlupa, Rizal (ngayon ay bahagi ng National Capital Region, NCR) at ang matriyarka naman ay taga-Binondo, Maynila mula sa angkan ng mga Tensuan. Pinili ng mag-asawa ang manirahan sa Bikol ng ilang mga taon pero dahil sa malakas na bagyo lumipat sila sa isla ng Sibuyan. Gaya ni Don Fernando, mula rin sa angkan ng mga Arciaga ang napangasawa ni Alfonso. Siya ay si Diana Arciaga na tubong Sudipen, La Union. Nanirahan sila sa bayan ng Bangar pero hindi naglaon lumipat din ito sa kalapit na bayan ng Sudipen na parehong sakop ng probinsiya ng La Union.
Bukod sa Bikol at Luzon, ang ilan sa mga ninuno ng pamilyang Moral ay nakapag-asawa rin sa Silangan at Gitnang Bisayas at isla ng Romblon. Nakapangasawa ni Julian ang isang dilag mula sa angkan ng mga Dool sa Catbalogan, Samar. Samantala, dalawang beses na nag-asawa si Anastacio, ang una ay si Isidora Banilar na taga- Danao, Cebu at ang ikalawa ay tubong Brgy. Palje sa isla ng Romblon. Sumunod ay si Damian, na nakaasawa mula sa angkan ng mga Lopez sa Brgy. Sabang, Danao, Cebu at nagkaroon pa ng ka-relasyon sa isang dilag na taga-Ozamis. Ang isa pa sa mga ninuno na nakaasawa sa Cebu rin ay si Hilario na napangasawa si Dorotea Demiar. Sa bayan naman ng Antequera sa isla ng Bohol nakapangasawa si Isidarorico. Ang isa pa sa ninuno ng Moral na bukod tanging nakaasawa sa parteng hilagang Mindanao ay si Ambrosio.Hindi naglaon, nagtayo rin ng headquarters o military camp si Mr. Montequer sa Gitnang Visayas noong 1850’s. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Clavera, Borbon, Cebu. Naging mahirap ang pamamalagi nila rito dahil sa gastusin sa langis. Higit na mas malayo ito sa Maynila kumpara sa Bikol. Sa panahon na ito muling bumalik ng Espanya si Fernando Montequer, marahil, kasama niya ang kanyang ama sakay ng barkong Manzanares. Matagal na dumating sa Pilipinas si Fernando, mga humigit kumulang sa sampung taon. Noong 1860’s, muli niyang nakapiling ang kanyang pamilya sa Sibuyan. Noong huling bahagi ng taong 1860’s, inabandona nila ang kanilang headquarters sa Cebu dahil sa panahong ito marami sa mga katutubo ang sumapi sa rebolusyon. Ang huli nilang headquarters o military camp na itinayo ay matatagpuan sa Catbalogan, Samar noong 1860’s. Dito nag-umpisa ng bumalik ng Espanya ang grupo ni Fernando ayon na rin sa utos ng monarkiya. Ang tatlong headquarters na itinayo ng monarkiya na nag-umpisa lamang sa Bikol at sinundan pa ng Cebu at Samar ay may misyon na tugisin ang mga piratang Moro. Ang mga sumunod na henerasyon na ipinanganak na rito sa bansa ang nagpatuloy ng simulain ng kanilang mga magulang. Ito ay panahon sa huling bahagi ng panunungkulan ng pamahalaang Espanyol. Ang ilan ay naging mangangalakal at sundalo rin. Bago magtapos ang pamahalaang Espanyol, ang ilan sa mga ninuno sa ikalawang herasyon ay namuhay ng simple at dito na nanirahan sa Pilipinas. Ang sumunod na salinlahi o ikatlong henerasyon ang nagmana ng mga lupain na naipundar ng kanilang mga magulang. Dahil sa hirap ng buhay noong unang bahagi ng taong 1900’s, ang karamihan sa mga ito ay naging magbubukid at mangingisda. Ang iba ay sumanib sa guerilla kontra sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nabanggit din sa kasaysayan ng pamilyang Moral na may mga mangingisda sa karagatan ng Davao noon na napadpad ng Palau at doon na nanirahan.
Noong ipinalabas ni Gob.-Hen. Narciso Claveria ang “Catalogo Alfabeticos de Apellidos”, nasa Sitio Medalla Milagrosa, Brgy. San Vicente, Quipia, Albay ang headquarters ng mga ninuno ng Moral. Pinili ni Mr. Montequer ang apelyidong “Moral”para kay Don Fernando dahil ito ay apelyidong karaniwan na sa Espanya. Hindi siya pinayagan ni Gob. Henera Claveria na gamitin ang apelyidong Bourbon dahil applicable lamang ito sa bansang Espanya gayundin ang apelyidong “Montequer” dahil ito ay apelyidong Pranses. Ang “Medalla Milagrosa” o kilala sa tawag na “Medalla” ang birthplace ng pamilyang Moral sa Pilipinas noon na may royal blood o Bourbon bukod sa lahing Sephardic Jews. Kung ang birthplace ng pamilyang Moral sa Pilipinas ay sa “Jovellar, Albay” nasa “Mucientes, Valladolid” sa bansang Espanya naman ang ancestral origin nito, mapa-Sephardic Jew man o Bourbon. Bago naitatag ang ating unang republika, kalat na ang angkan ng Moral sa iba’t-ibang kapuluan sa bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa isang eksperto sa catalogo, ang ninuno ng“Moral” ay nagmula sa mga probinsiya na sakop ng “Basque.” Pagkatapos niya mapag-aralan ang oral history as per case to case basis, lumalabas na “crypto-Jews” ang lahi ng mga Moral na dumating sa bansa galing ng Valladolid, Espanya. Gayunpaman, DNA Test ng bawat indibidwal na Moral mula sa iba’t ibang angkan o hanay ng mga ninuno nito ang magpapatunay ng kanilang common main ancestor. Sinasabing tatlo ang kategorya ng pinagmulan ng Spanish surnames na nakasaad sa catalogo. Ito ay ang Castillan, Catalan at Basque. Kapag Basque ang pinagmulan ng apelyido ng sino man sa bansa, ibig sabihin nito, mayroon itong dugong Espanyol. Maaaring ito ang tamang paliwanag sa aspetong teknikal mula sa catalogo pagdating sa apelyidong Moral. Katunayan, kasama ang probinsiya ng Valladolid na siyang balwarte ni Haring Carlos IV sa tinatawag na Basque province ngunit sinasabi rin ng iilan na may “royal blood” ang apelyidong Moral. Ang magandang paliwanag dito ay dahilan sa ang mga ninuno ng Moral (ikalawang grupo) noon, bukod sa dugong Sephardic Jews ay may kaugnayan sa pamilya ng Bourbon din kung kaya’t sila’y tinawag na may royal blood. May ilan din sa mga indibidwal na Moral sa bansa na nagsasabing ang ibig sabihin ng apelyidong Moral ay “warriors.”Ayon naman kay Prof. Renato Perdon, isang historian, political scientist, newspaper editor, archivist, university lecturer, at dating kawani sa National Historical Institute (NHI) of the Philippines, nag-umpisa ang pagbibigay ng mga apelyido sa catalogo mula sa Bikol at gitnang bahagi ng Pilipinas. Ayon sa kanya, ang apelyidong Moral ay makikita sa pahina 88 ng catalogo at nakapagitna ito sa apelyidong “Moralejo” at “More”.
Ayon naman sa pananaliksik ng mga dalubhasa sa Espanya, ang lahing “Moral” ay Sephardic Jewish lineage at mayroon itong tinatawag na nobility crest. Ito ang kanilang explanation na translated sa Ingles. “Asturias and Castilla-León. Surname old, assumed from Asturias, as its first founding date back to the time of King Don Pelayo. According to legend, the founders of Moral lineage were two brothers, Knights of King Don Pelayo, who being in battle with the Moors, they broke their swords and defend drew on the branches of a morality that was there, trance them out victorious. Gold, with a moral Vert, fruity gold.” Si King Don Pelayo ang naging kauna-unahang Spanish monarch sa Espanya na namuno noon sa probinsiya ng Asturias.