Kasaysayan at Genealogy
Pamilyang Moral sa Pilipinas
Genealogy
Genealogy ng Pamilyang Moral sa Pilipinas
Isang survey ang isinagawa sa loob ng limang buwan simula noong katapusan ng Hunyo hanggang unang araw ng Nobyembre, 2014. Ang respondent ay bawat indibidwal na nagdadala ng apelyidong Moral. Sila ay tinanong tungkol sa lugar na pinagmulan ng kanilang angkan. Mahigit sa dalawang libo (i.e. 2034 katao) ang inimbitahan na mag-participate subalit 11.26 porsiyento lamang ang nagbigay ng kanilang feedback. Bukod sa naunang pagpipilian, binigyan din ang mga respondents ng option na magdagdag ng lugar tungkol sa pinagmulan ng kanilang angkan at bumoto ng isang beses lamang.
Table 1. Resulta ng Survey [Bilang ng Respondents= 229 ]
Pinagmulan ng Angkan Porsiyento
Romblon 39.30
Albay/Bicol Region 28.38
Cebu/Central Visayas 12.66
La Union 5.68
Bohol/Leyte 3.06
Samar Island 2.62
Casiguran, Aurora 1.75
Lanao del Norte 1.31
Muntinlupa/Sorsogon 1.31
Unknown/Others 1.31
Abu Dhabi, UAE 0.87
Laguna 0.87
Masbate City 0.44
Iloilo 0.44
Polillo Island, Quezon 0.44
Base sa resulta ng survey, pitong mga lugar sa bansa ang higit na nagpapakita ng may mataas na porsiyento tungkol sa pinagmulan ng angkan ng Moral. Ito ay sukatan lamang ng bilang ng mga indibidwal na nagdadala ng apelyidong Moral sa kasalukuyan simula noong unang nanirahan (i.e. sa pagitan ng taong 1810-1850) at nakapag-asawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga ninuno ng angkan ng Moral noong panahon ng pamamayagpag ng mga piratang Moro sa Bikolandia, Bondoc Peninsula, Kabisayaan at hilagang Mindanao hanggang sa dumaan ang Himagsikang Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano at Ikalawang Digmaang Pandaigdigan (WW II).
Mga Ninuno ng Pamilyang Moral sa Una at Ikalawang Henerasyon
Ang unang henerasyon ay binubuo ng purong Espanyol, Peninsulares (i.e. ikalawang grupo na mga ninuno ng Moral na dumating sa bansa ) -nasa labingtatlo (13) lahat, Insulares (i.e. unang grupo ng mga ninuno ng Moral na ipinanganak na sa bansa)- dalawa (2) ang nabanggit na pangalan pero isinaalang-alang din na may iba pa silang kapatid at Katutubo - isa (1). Sila ay nakapag-asawa sa mga kilala at mayayamang angkan o principalia sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagkaroon sila ng mga anak na siya namang bumubuo sa ikalawang henerasyon. “Hindi na pinayagan ng mga prayle noon sa bansa ang pag-aasawa ng mga ninuno ng Moral sa isa’t isa lalung-lalo na doon sa may dugong Bourbons na kabilang sa unang henerasyon.” Samantala, ang ikalawang henerasyon naman na kasama sa talaan ay binubuo ng mga Insulares at mestizo/mestizas (creollos) na ipinanganak na rito sa bansa.
Table 2. Talaan ng mga Ninuno (Unang Henerasyon) kasama ang kanilang Asawa at mga Anak (Ikalawang Henerasyon)
Ninuno at Kanilang Asawa sa Unang Henerasyon Mga Anak Taon ng Kapanganakan (1840’s-1870’s)
Historical Facts and Events
Husband: Fernando**
Born:
Birthplace:
Wife: Agripina Tensuan Arciaga
Place of Marrige: Azagra, Sibuyan Island, Romblon
No. of children: nine (9)
Vicente
Sofia
Ponciano, Sr.
Carlos
Luis
Juan
Placida
Serapion
Antonio, Sr. 1846 (est.)
1847 (est.)
1849 (est.)
1850 (est.)
1852 (est.)
1865 (est.)
1866 (est.)
1867 (est.)
1869 (est.) Vicente is the eldest child with as much as 26 children totalled into his two wives, Rebeca Camposano (Camalig, Albay) and Juana Mangaring (Romblon Island). His third wife is a lady from Catbalogan , Samar who gave birth to approximately five (5) children.
Antonio , Sr. is the youngest, menopausal baby. His descendants were scattered in Mindoro, Palawan and Aurora provinces.
Husband: Inocencio**
Born: 1822 (est.)
Birthplace: Madrid, Spain
Wife: Jacob family
Place of Marriage: Libod, Camalig, Albay
No. of children: 15 (approx.) Juan
Julian
Guillerma
Carlos
Micael
Bonifacio
Andres
Pantaleon
Ambrosio
Sorronio
Francisco
Mariano
Jurge
Balbino
Maria Salome 1859
1860
Bonifacio has the most number of children, a total of 18, from his three (3) wives, from families of Negrete, Brioso and unknown in Albay province.
Maria Salome is the youngest child of Inocencio.
Husband:
Calixto Nieves (Nayve)
Born:
Birthplace:
Camalig, Albay
Wife: Isabel**
Place of Marrige: Camalig, Albay
No. of children: unknown
Sergio
Flacido
Antonio
etc.
Husband: Lazaro**
Born:
Birthplace:
Wife: Pascuala Nacional
Place of Marriage: Guinobatan, Albay
No. of Children: Nine (9)
Lorenzo
Andres
Agustin
Sergio
Inocencia
Carmen
Marcelina
Isabel
Felisa
Lazaro is cousin of Princess Isabel (Luisa Isabel Ferdinanda). Both went to Sibuyan circa 1850’(est.)
Husband: Alfonso**
Born:
Birthplace:
Wife: Diana Arciaga
Place of Marriage: Sudipen, La Union
No. of Children: seven (7) Leopoldo
Francisco
Alipio
Dionicio
Damiana
Lilian
Roscoisand
1854
1849 Francisco and Roscoisand are the eldest and youngest children of Alfonso, respectively. Most of Alfonso’s descendants migrated to U.S. and became American citizens.
Husband: Damian**
Born:
Birthplace:
Wives: Lopez family
& Unknown 2nd wife from Ozamis
Place of Marriage: Cebu
No. of children: thirteen (13) Tomas
Juliana
Baldomera
Bartolome
Rufino
Andres
Flaviano
Eugenio
Severino
Pedro
Pio
Alfonso
Doroteo
Tomas has been requested by his uncle to join as Spanish soldier but he rejected. Instead, he went to mountainous area of Carmen, Cebu and cohabitate with another woman.
Husband: Isidarorico**
Born:
Birthplace:
Wife: Unknown
Place of Marriage: Bohol
No. of Children: three (3)
Macario
Isidora
Cesario Macario is the eldest child of Isidarorico. His children left Bohol and migrated to Taragnan, Samar.
Husband: Agapito**
Born:
Birthplace:
Wife: Angara family
Place of Marriage: Casiguran, Aurora
No. of Children: approx. seven (7)
Geronimo
Casiano
Alejandro
Marcelino
Cipriano
Inocencio
Remigia Remigia is the only daughter of Agapito out of his seven (7) children.
Husband: Anastacio**
Born:
Birthplace:
Wife 1: Isidora Banilar
Place of Marriage: Danao, Cebu
No. of children: eight (8)
Wife 2: Unknown
Place of Marriage: Brgy. Palje, Romblon Island
No. Of Children: five (5)
Cornelia
Pelagio
Protasio
Honorio
Mariano
Sergio
Juan
Juana
Rafael
Cenon
Olimpia
Apolonio
Santiago
Three (3) of Anastacio’s children had been kidnapped by Moro pirates while fishing in the vicinity of Danao, Cebu coastal areas. This happened estimated circa 1880’s.
Husband: Julian**
Born:
Birthplace:
Wife: Dool family
Place of Marriage: Catbalogan, Samar
No. of Children: approx. eleven (11) Petronilo
Benigno
Maximo
Saturnino
Hogo
Zenaida
Faustina
Alfonsa
Daniel
Nairo
Vedancio Petronilo and Zenaida are the eldest and youngest children of Julian, respectively.
Husband: unknown
Wife: Marcelina**
Born:
Birthplace:
Place of Marriage: Libmanan, Camarines, Sur
No. Of children: Unknown Esteban 1858
Husband: Hilario**
Born:
Birthplace:
Wife:
PLace of Marriage: San Remegio, Cebu
No. of children: unknown
Husband:
Unknown **
Born:
Birthplace:
Sibuyan
Wife: Rovira family
Place of Marriage: Cajidiocan, Romblon
No. of children: unknown
Husband: Maria*
Born:
Birthplace:
Wife: Unknown
Place of Marriage: Jovellar, Albay
No. of children: No data
Husband: Ambrosio*** Sarmiento
Wife: Unknown
Place of Marriage: Guinobatan, Albay
No. of children: unknown Ambrosio, born in 1827, is a native of Guinobatan, Albay who changed his surname from Sarmiento into Moral. Ambrosio died on Dec. 2, 1917 at the age of 90.
Legend:
* Mga ninuno ng Moral na nagpapalaganap ng relihiyong Judaismo na ipinanganak sa bansa noong early 1800’s.
** Mga ninuno ng Moral na dumating sa bansa sa pagitan noong circa 1840- 1850.
*** Ninuno ng Moral na nagpalit ng apelyido mula sa orihinal na “Sarmiento” na naging “Moral” at walang kaugnayan sa * at **.
est. Estimated
Pinagmulan ng Angkan ng Pamilyang Moral sa Pilipinas
Sa kasalukuyang, kalat na rin ang pamilyang Moral sa alinmang panig ng bansa at maging sa buong mundo. Siyempre, nagmula ang apelyidong Moral sa bansang Espanya. Sa loob ng 333 taon na pamumuno ng monarkiya ng Espanya, dumating sa bansa ang mga ninuno na siyang bumubuo sa iba’t ibang angkan ng Moral noong una at kalagitnaang bahagi ng mga taon ng ika-19 na siglo. Sa pangkalahatan, gaya ng ibang pamilya, ang pagdami ng bilang ng bawat pamilyang Moral sa kasalukuyan ay bunga ng salinlahi o pag-aasawa ng mga indibidwal mula sa matandang henerasyon. Bago pa man kumalat ang pamilyang Moral sa bansa, muli nating balikan ang mga lugar kung saan nakapag-asawa ang mga ninuno ng Moral (ikalawang grupo) sa unang henerasyon (tingnan ang mapa sa pahina 18). Ito ang magsisilbing major reference sa sinumang indibidwal na Moral na gustong pag-aralan ang kanilang pinagmulan. Tinatayang ang ikalawang henerasyon ng pamilyang Moral ay ipinanganak sa pagitan ng taong 1840 hanggang 1870.
DON ENRIQUE MARIA FERNANDO DE BOURBON
(FERNANDO MONTEQUER)
&
DOÑA AGRIPINA TENSUAN ARCIAGA
FAMILY of SIBUYAN ISLAND, ROMBLON,
PHILIPPINES
Fernando Montequer- Ayon sa lolo ko, ang tunay na pangalan ni Fernando Montequer ay si Don Enrique María Fernando Carlos Francisco Luis de Borbón y Borbón-Dos Sicilias o kilala rin bilang Don Enrique Maria Fernando de Bourbon. Siya ay ipinanganak noong taong 1820’s sa bansang Espanya at kabilang sa pamilya ng mga Bourbon mula Madrid, Espanya na dumating sa bansa noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Ang apelyidong Montequer (Mon.te.kyer) ay hango sa isang apelyidong Pranses na kanyang ginamit gaya ng kanyang ama ng pumunta rito sa bansa. Si Fernando ay matangkad, matangos ang ilong, may balbas sa pisngi, rosy cheeks, asul ang kulay ng mata na medyo pabilog, malapad ang noo, mahahaba ang mga daliri at malalapad na pabilog ang mga paa, medyo maliit ang ulo pero pahaba ang panga at iba ang pagiging puti ng balat nito kumpara sa mga Amerikano. Ang mga magulang ni Fernando ay sina Prinsesa Luisa Carlotta Maria Isabella at Prinsepe Francisco de Paula na kilala bilang si Mr. Montequer. Ang kanyang ama ay apo ni Haring Carlos IV na sinasabing “common ancestor” ng pamilyang Moral na may dugong royal blood sa bansa. Sakay ng barkong SS No.07 “Manzanares”, ang mga kasama ni Fernando sa kanyang paglalakbay ay sina Alfonso, Isabel (kilala bilang si Prinsesa Luisa Isabel Ferdinanda), mga kamag-anak, kaibigan at mga tauhan. Si Alfonso ang namumuno sa pagpapanatili ng seguridad sa kanilang paglalakbay. Noong dumating sila sa Maynila, naging panauhin sila ni Gob.-Hen. Narciso Claveria sa Intramuros. Makalipas ang ilang araw, nagtungo ang grupo ni Fernando papuntang Bikol kung saan nakadestino ang kanyang ama.
Bago pa man dumating ang grupo ni Fernando sa Pilipinas, mas nauna nang dumating ang kanyang ama na si Mr. Montequer sa bansa. Nagkaroon ito ng misyon sa Bikol ayon na rin sa kagustuhan ng monarkiya ng Espanya. Nagtayo sila ng headquarters o military camp noon sa bahagi ng Sitio Medalla Milagrosa, Brgy. San Vicente, Quipia, Albay (kilala ngayon bilang bayan ng Jovellar). Kasama niya sina Lazaro at ilang tauhan sa pagtugis ng mga piratang Moro sa bahagi ng Legaspi, Albay.
Bukod sa pakikidigma, naging mangangalakal din ang ilan sa ninuno ng pamilyang Moral. Isa na rito ay si Fernando na regular na nagbabiyahe papuntang Bikol at Maynila. Siya ay kilala sa tawag na “Don Fernando” at naging mangangalakal ng ginto at higit na nakakaraming bilang ng pilak (silver) sa Binondo, Maynila noon. Nakilala niya ang isang Chinese mestiza na si Doña Agripina Arciaga y Tensuan. Ang matriyarka ni Agripina ay mula sa angkan ng mga mangangalakal na pamilyang Tensuan sa Binondo samantalang ang kanyang patriyarka ay nagmula naman sa angkan ng mga Arciaga na tubong Muntinlupa, Rizal (bahagi ngaun ng NCR). Gaya ng kanyang ina, si Doña Agripina ay isa ring mangangalakal. Siya ay may taas na limang piye (5 feet) lamang. Ang kanyang pamilya ay naninirahan sa patriyarka nito sa Muntinlupa. Nabighani si Don Fernando sa kagandahan ng dalaga at niligawan ito. Ipinakita ng binata, Fernando, ang kanyang husay sa pagtugtog ng violin at bandurria. Sila ay nagsama habang hindi pa kasal. Bumili ang mag-asawa ng mga lupain sa bahagi ng Bangar, La Union mula sa angkan ng mga Arciaga. Ito ay kanilang pinatamnan ng iba’t ibang pananim sa kanilang mga katiwala na tagaroon sa nasabing lugar. Bukod dito, nakabili rin sila ng mga lupain mula sa mayayamang angkan sa ilang bahagi ng Albay gaya sa Brgy. Taloto na nasasakupan ng bayan ng Camalig, at mga bayan ng Oas at Quipia. Noong sila’y nagkapamilya, pinili ng mag-asawa ang manirahan sa Sitio Medalla Milagrosa, Barrio San Vicente, Quipia, Albay. Ang kanilang panganay na anak ay si Vicente Arciaga Moral na ipinanganak sa Muntinlupa, Rizal kasunod ang apat na iba pa na kapwa ipinanganak sa pagitan ng taong 1845 hanggang taong 1851. Ito ay sina Sofia (kilala rin sa tawag na Lola Pia), Ponciano, Sr., Carlos at Luis. Sina Sofia at Ponciano, Sr. ay parehong ipinanganak sa Albay. Ang malakas na bagyo sa Bikol noong taong 1849 (est.) ang nag-udyok sa mag-asawa na lumipat ito ng tirahan sa Sibuyan dahil halos nasira ang kanilang mga pananim at mga ari-arian sa nasabing lugar. Sina Carlos at Luis ay parehong ipinanganak sa Sibuyan simula ng lumipat ang mag-asawa. Sakay ng barkong Manzanares, dumating sila sa Pueblo de Azagra na bahagi ng isla Sibuyan kasama sina Lazaro, Isabel, Alfonso, ilang mga kamag-anak at kaibigan, kakilala at ilang mga tauhan. Sila ay tumuloy sa tahanan ng gobernadorcillo, pinuno ng isla, na nakatira sa Pueblo de Cajidiocan. Hindi rin nagtagal, ibinigay sa kanila ng gobernadorcillo ang isang lugar na tinawag na Barrio España na bahagi noon ng Pueblo de Azagra. Habang nasa Sibuyan, napag-alaman ng grupo ni Don Fernando na may sira ang barko at matagal itong ipinaayos sa Cavite.
Makikita sa ang mapa ng probinsiya ng Romblon na binubuo ng
labimpito (17) na bayan. Ang tatlong malalaking isla ay Tablas, Romblon at Sibuyan. Ang Tablas ay binubuo ng siyam (9) na bayan ng San Agustin, Calatrava, San Andres, Odiongan, Ferrol, Looc, Sta. Fe, Alcantara at Sta. Maria. Ang isla ng Romblon ay isang bayan lamang at ito ang kabisera ng probinsiya.. Samantala, ang Sibuyan ay binubuo ng tatlong (3) bayan ng Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando. Gaya ng Romblon, ang ilan sa islang bayan ay binubuo ng San Jose (Carabao), Concepcion, Corcuera at Banton. Mapapansin din na ang ilang maliliit na isla gaya ng Isabel at Carlota malapit sa isla ng Banton ay nakapangalan sa mga Borbon na kabilang sa monarkiya ng Espanya. Photo credited to wikipedia.
Dahil sa katagalan, ang ilan sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ay nagbungkal ng lupa, sumali sa pagmimina ng ginto at naging mangingisda. Bukod diyan ang ilan ay nakapag-asawa sa nasabing lugar maging sa kalapit na isla nito na Romblon gaya ng pamilyang Montesa, Burguette, etc. Makalipas ang ilang buwan, naayos na rin ang barkong Manzanares. Regular na nakakapagbyahe na si Don Fernando. Bukod sa Bikol, naging bagong ruta na rin niya ang magtungo sa isla ng Cebu noon. Dito kasi nagtayo ulit ang kanyang ama na si Mr. Montequer ng isa pang headquarters o military camp. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Clavera, Borbon, Cebu. Panahon ito na kung saan aktibo pa rin ang pamimirata ng mga Moro at ilang katutubo sa nasabing lugar. Katunayan, tatlo sa walong mga anak ni Anastacio Moral, isa sa ninuno ng pamilyang Moral ang nabihag ng mga pirata sa baybayin ng Danao, Cebu. Hindi nila ito nabawi at natunton. Bahagi ng misyong ito ang paglawak ng saklaw ng pakikipagkalakalan ng mga ninuno ng Moral sa Gitna at maging sa Silangang Kabisayaan. Naging mahirap ito kay Don Fernando dahil sa gastusin sa langis dahil higit na mas malayo ito sa Maynila kumpara sa Bikol. Bagamat hindi nabanggit kung ilang beses siya bumalik ng Espanya, si Don Fernando ay namalagi roon minsan ng matagal na panahon at umabot pa ito ng humigit kumulang sa sampung taon. Mayroon kasi itong asawa mula naman sa angkan ng mga Castellvi sa Espanya.
Samantala, itinaguyod ni Doña Agripina ang kanyang pamilya rito sa Pilipinas. Naging tirahan nila itong Barrio de España na bahagi ng Pueblo de Azagra sa isla ng Sibuyan. Dito lumaki ang kanilang mga anak at sila’y makapag-aral sa Maynila mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang ilan sa kanila ay naging entrepreneur at sundalo. Muling nakapiling ng pamilya ang kanilang ama noong 1860’s. Dito nagpakasal sina Doña Agripina at Don Fernando. Nagkaroon ulit sila ng karagdagang mga anak. Ito ay sina Juan (est. circa-1865), Placida (est. circa-1866), Serapion (est. circa 1867) at Antonio, Sr. (est. Circa-1869). Nakabili ulit ang mag-asawa ng lupain sa bahagi ng Barrio de Ipil at Barrio de Agutay na bahagi ng Pueblo de Magallanes (i.e. bahagi ngayon ng bayan ng Magdiwang) mula sa mayamang angkan ng mga Rafol. Habang nasa bansa, patuloy pa rin ang pakikipagkalakalan ni Don Fernando pero hindi na niya dala ang kanyang barko. Siya ay binigyan ng proteksiyon ng pamahalaang Espanyol at nakarating sa iba’t ibang isla sa Pilipinas. Naging mahirap ang pamamalagi nila sa headquarters sa Borbon, Cebu dahil nagkaroon ng pag-aaklas laban sa mga Kastila ang mga katutubo (circa 1870’s) roon. Inabandona nila ang lugar at karamihan sa mga tauhan ng monarkiya kasama si Don Fernando at posibleng ang ibang ninuno ng Moral ay sumama na rin noong ipinabalik na sila ng monarkiya sa kanilang bansa. Ito ang huling mga taon na nakapiling ng pamilya si Don Fernando. Hindi na niya nakasama ang kanyang pamilya dahil ang ilan sa kanyang mga anak ay nakapag-asawa na. Dumating din ang ilang mga taon at namatay na si Doña Agripina.
Ang Mga Anak Nina Don Fernando at Doña Agripina
Ang mga anak nina Fernando at Agripina ay tinatawag na Spanish mestizo/mestiza o creollo. Si Don Fernando ay purong Español o Castilla samantalang si Doña Agripina ay isang Chinese mestiza. Ang kanilang anak ay sina Vicente (panganay), Sofia, Ponciano, Sr., Carlos, Luis, Juan, Placida, Serapion at Antonio, Sr. (menopausal baby). Sila ay ipinanganak sa pagitan ng taong 1845 hanggang 1870.
Vicente Arciaga Moral- Siya ay panganay na anak nina Don Fernando at Doña Agripina. Ipinanganak siya sa Muntinlupa, Rizal na bahagi ngayon ng NCR o National Capital Region. Tanging si Vicente lamang ang nakakuha karamihan ng pisikal na katangian ng kanyang ama kaya itinuturing siyang pinakagwapo sa lahat ng magkakapatid. Lumaki siya sa Sibuyan at nakapagtapos ng pag-aaral sa Maynila. Gaya ng kanyang mga magulang, siya ay naging mangangalakal. Noong naging binata ito, mga circa 1865, nagkaroon ng asawa si Vicente, 19 taong gulang, sa katauhan ni Rebeca Camposano. Ayon sa salaysay ni Atty. Antonio G. Moral, 84 taong gulang (2014), apo ni Placida, “ang mga Camposano ay angkan na nagmula sa Sorsogon. Ito ay aktibo sa pakikipagkalakalan noon kasama ang angkan ng mga Cambalo at Jaylo na kapwa magkakamag-anak sa nasabing lalawigan”. Pinili ng mag-asawa ang manirahan sa Brgy. Taloto, Camalig, Albay dahil sa may ilang lupain dito na pagmamay-ari ang mga magulang ni Vicente. Dito nagkaroon sila ng labingwalong (18) anak, 16 na lalaki at 2 lamang na babae. Ito ay sina Francisco (panganay), Micael, Carlos, Guillermo, Arsenio, Procopio (b. 1894), Florantino, Simeon, Agapito, Dorotea, Candelaria, Juanito, Faustino (bunso), Olimpio, Nicolas, Mariano, Cipriano at Petretori. Tatlo sa kanilang mga anak ay lumaki sa Cebu dahil noong araw kinupkop ito ng matriyarka ni Rebeca. Sa panahon na ito, habang nagsasama ang dalawa at mayroon pa lang konteng mga anak, bumalik na sa Espanya ang ama ni Vicente.
Noong, napangasawa naman ni Vicente ang isang dilag na tubong Barrio Sablayan, Romblon, Romblon sa kalapit na isla ng Sibuyan. Siya ay si Juana Mangaring. Nagkaroon sila ng walong (8) anak na puro lalaki. Ito ay sina Segundo (panganay), Cayetano, Alejandro (b. 1904), Miguel, Valentin, Julian, Roman, at Silverio (bunso). Pinili ng mag-asawa ang manirahan sa Barrio Magallanes, Cajidiocan, Romblon.
Noong early 1900’s, bagamat nasa humigit kumulang na 60 taong gulang, nagkaroon ulit si Vicente ng ikatlong asawa. Hindi na natukoy ang pangalan ng dilag ngunit siya ay mula sa angkan ng mga Oncepido sa bayan ng Catbalogan, Samar.Sila ay nagkaroon ng mga anak at base sa pahayag ni Rafael Moral, tubong Catbalogan, ito ay sina Zuma, Justito (ama ng lolo ni Rafael), Romulo “Romy”, Antonio “Tonio”, at iba pa. Ibig sabihin nito umabot sa bilang na tatlumpo (30) lahat , “identified children” ang naging anak ni Vicente sa kanyang tatlong naging asawa. Hindi na nabanggit ang detalye ng kanyang pagkamatay pero noong araw, gaya ng kanyang ama, marami siyang narating na isla dahil uso pa ang mga gallleon.
Sofia Arciaga Moral- Siya ay pangalawa (2nd) sa siyam na magkakapatid. Kilala siya sa tawag na “Lola Pia”. Si Lola Pia ay pinanganak sa Quipia, Albay noong 1840’s. Siya ay naging mangangalakal. Napangasawa niya si Tomas Cambaya na isang miembro ng revolucion na tubong Danao, Cebu. Siya ay namatay sa isla ng Sibuyan at walang ibang impormasyon kung nagkaroon sila ng mga anak.
Ponciano Arciaga Moral, Sr.- Si Lolo Ponciano, Sr. ay pangatlo (3rd) sa mga anak nina Agripina at Fernando. Gaya ni Sofia, siya ay ipinanganak sa Quipia, Albay. Siya ay nag-aral sa Maynila at nakapagtapos bilang isang sundalo sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. Bata pa lamang, kinaugalian niyang magtungo sa Cebu kasama ang kanyang lolo mula sa angkan ng Arciaga sa panig ng kanyang ina na si Agripina. Dito rin siya nagsanay sa pagkasundalo. Gaya ni Vicente, si Ponciano, Sr. ay tatlong (3) beses din nakapag-asawa. Ang una niyang napangasawa ay si Gregoria Ruga na tubong Cajidiocan, Romblon noong early 1870’s. Sila ay nagkaroon ng pitong (7) anak. Ito ay sina Ponciano, Jr., Felipe, Guillermo, Juan, Tito, Andres, at Alfonso.
Habang naka-destino sa Cebu, nagkaroon ulit si Ponciano, Sr. ng pangalawang asawa noong circa 1890. Siya ay si Proserfina Lopez na tubong Carmen, Cebu. Sila ay nagkaroon ng labing-apat na mga anak- 12 na lalaki at 2 babae. Ito ay sina Teuporon, Maneuporon, Altero Fascia, Abraham Lincoln, Supronio, Pedro, Ambrosio, Rizalito, Zoilo, Simplicio, Felipe, Benjamin, Sara at Anita. Ang ilan dito ay sumanib sa mga guerilla laban sa mga Amerikano noong circa 1900 kasama ang iba pang lahi ng pamilyang Moral sa bahagi ng probinsiya ng Cebu. Dahil dito, sila’y naging wanted kung kaya’t ang iba ay gumamit ng screen name o alias kagaya na lamang nina Altero Fascia at Abraham Lincoln na ang tunay na pangalan ay sina Nascianseno Lopez Moral at Mamerto Lopez Moral, ayon sa pagkasunud-sunod. Isa rin sa mga anak ni Ponciano, Sr., Rizalito, ay sumali rin sa guerilla at nagpalit ng apelyidong Morales. Hindi na natukoy ang iba pang Moral na nagpalit ng ganitong apelyido pero karamihan ay kabilang sa ikatlong henerasyon na tulad sa mga anak ni Ponciano, Sr.
Noong sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, taong 1941, isa marahil sa masaklap na nakaranas ng kalupitan mula sa sundalo ng mga Hapones ang pamilya ni Ponciano, Sr. Ito ay panahon na kung saan ang ilan sa mga anak ni Ponciano, Sr. ay nakapag-asawa karamihan sa bayan ng Carmen, Cebu. Ayon kay Cherlito Moral, Sr., tubong Carmen, Cebu, “Maliit pa lang ako, lagi na akong kasama ng lolo ko (Zoilo Lopez Moral). Minsan, naikwento niya sa akin ‘yong buhay nila noon. Bata pa sila, 14 daw yan silang magkapatid- 2 ang babae at 12 ang lalaki. Sa panahon ng Hapon o World War II kitang-kita daw nila ang hirap na naranasan nila hanggang ang dalawang babae at dalawang lalaki ay pinatay daw ng Hapon habang patakbu-takbo daw sila noon. Dahil sa giyera, nagkahiwa- hiwalay daw yan sila at hindi na nila alam kung saan sila magkita. Ngayon, ang nakita lang sa kapatid ng lolo ko ay dalawa. Sila ay sina Pedro Lopez Moral kung tawagin ay Manopedong at Inko Jorhy. Si Manopedong ay may apat lang yata na anak- isang lalaki at tatlong babae. Ang isang babae ay hindi nag-asawa. Samantala, anim naman ang naging anak ni Inko Jorhy sa Davao City- dalawang lalaki at apat na babae. Ang pangalan ng lalaki ay sina Boy Moral at Guillermo Moral. Ang nakilala ko lang sa anak ni Tito Guillermo ay si William Moral na kaedad ko. Samantala, sa side naman ng lolo ko na si Zoilo, nagkaroon ito ng pitong purong lalaki. Mayroon din isang babae pero bata pa ito namatay. Ang aking ama ay si Simplicio Moral na bunso sa kanilang magkakapatid. Siyam (9) kami na magkakapatid- apat (4) na babae at limang (5) lalaki. Mayroon akong pitong (7) anak- apat (4) na babae at tatlong (3) lalaki. Ang mga lalaki ay sina Archie Moral, Cherlito Moral, Jr. at Alfie Moral. Ang aking bunsong babae ay si Ann Marie Moral.” Namatay si Lolo Zoilo noong taong 2008.
Ayon kay Renante Moral (2014), “Ang lolo ko po ay si Simplicio Moral, Sr (deceased). Ang tatay ko naman po ay si Jesus Moral. Ang tatay ko ay ipinanganak sa Brgy. Cogon, Carmen, Cebu ngunit lumaki at nakapangasawa ng taga-General Santos City. Wala po akong alam sa mga kapatid ng lolo ko kasi sa panahon ng pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas nagkahiwalay po ang kanyang mga kapatid. Kung baga lumaki ang lolo ko ayon sa kanya. Mag-isa lang siyang nakikibaka sa hamon ng buhay but not so long time. Nakita po namin ang mga kapatid ng lolo ko kaya lang dalawa lang po sila sa 14 na magkakapatid. Dalawa lang nakita namin na nasa Davao ngayon. Sila ay sina Zoilo Moral at Pedro Moral.”
Noong sundalo pa si Lolo Ponciano, Sr., siya ay nagkaroon din ng relasyon sa isang dilag mula naman sa pamilya ng Matlani sa Iligan, Lanao del Norte. Bagamat hindi kasal, nagkaroon sila ng dalawang (2) anak. Ito ay sina Leonora at Blas. Ang angkan ni Blas Matlani Moral ay naninirahan sa Kolambungan, Lanao del Norte.
Carlos Arciaga Moral- Gaya ng kanyang mga kapatid, isa siyang Spanish mestizo na ipinanganak sa Brgy. España, Azagra, Romblon at pang-apat (4th) sa magkakapatid. Noong una, ang Brgy. Azagra ang isa sa pinakabayan noon sa isla ng Sibuyan. Noong inilipat ang pinakabayan sa Brgy. Poblacion, pinalitan ito ng pangalang San Fernando. Sa kasalukuyan, parehong nasasakupan ng nasabing bayan ang dating Brgy España at Azagra. Si Don Carlos ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Maynila. Napangasawa niya si Doña Zosima Rafol na tubong Magallanes (kilala ngayon bilang bayan ng Magdiwang) sa isla ng Sibuyan. Pinili ni Don Carlos na manirahan sa Barrio Ipil, Magallanes, Sibuyan dahil nakapagbili rin ng mga lupain ang kanyang mga magulang rito. Ayon sa salaysay nina Jean Moral at Bernadine Moral, mga apo sa tuhod ni Don Carlos, “naging teniente mayor ito sa nasabing barrio at sa panahon ng kanyang panunungkulan naipatayo ang simbahan ng Magdiwang.” Nagkaroon siya ng isang anak na lalaki. Siya ay si Guillermo o kilala sa palayaw na “Lolo Emong.” Noong nabubuhay pa si Don Carlos, siya ang tumayong amain ng kanyang kapatid na si Antonio, Sr. Si Don Carlos ay maagang namatay at siya ay inilibing sa isla ng Sibuyan noong 1880’s.
Luis Arciaga Moral- Si Don Luis Arciaga Moral ay ipinanganak sa Brgy. España, Azagra, Romblon noong circa 1851. Gaya ng kanyang ama, siya rin ay naging mangangalakal pagkatapos niyang mag-aral sa Maynila. Nagkaroon siya ng labinlimang (15) anak mula sa dalawa niyang asawa. Bukod dito, umampon din siya ng dalawang bata mula sa isla ng Simara (bayan ng Corcuerra). Ang dalawang ito ay pinalayas sa Romblon ng angkan ng mga Moral dahil sa pagkakaroon ng kasalanang pagpatay at pagnanakaw. Bukod sa Sibuyan, nakabili rin si Don Luis ng lupain sa malayong lugar ng isla ng Limasawa na bahagi ng Timog Leyte.
Ang isa sa napangasawa ni Don Luis ay si Teresa “Tessie”Musa y Ruga. Si Lola Tessie ay ipinanganak sa Sibuyan mula sa angkan ng mga Ruga pero ang kanyang patriyarka mula sa angkan ng “Musa” ay tubong isla ng Romblon. Nagkaroon sila ng apat na anak. Ito ay sina Candido (panganay), Santiago, Juana at Francisco (bunso). Maagang namatay si Lola Tessie kaya nagkaroon ulit ng asawa si Don Luis. Siya ay si Doña Julia Marron na tubong Cabanatuan, Nueva Ecija. Si Lola Julia ay nakapagtapos ng pag-aaral at bihasa sa Espanyol. Nagkaroon sila ng labing-isang (11) anak ni Don Luis. Ito ay sina Pacifico, Olipio, Estanislao, Wencislao, Fortunato, Buenvinido, Buenaventura, Maria Concepta, Purificasion, Emeterio at Julian Magenlazaro (bunso). Pinili ni Don Luis kasama ang kanyang pamilya na manirahan sa Barrio Agutay, Magallanes, Sibuyan.
Juan Arciaga Moral- Si Lolo Juan Arciaga Moral ay ipinanganak sa Barrio España, Azagra, Romblon noong circa 1865. Siya ay pang-anim (6th) sa siyam na magkakapatid. Malaki ang naging age gap nina Juan at Luis dahil sa mahigit kumulang sampung taon na nasa Espanya ang kanilang ama na si Don Fernando. Bumalik lamang ang kanilang ama sa bansa noong early 1860’s at nagkaroon pa ito ng apat na mga anak kay Agripina. Napangasawa ni Lolo Juan si Lola Mauricia Culob na tubong Agusan. Sila ay nanirahan sa Sitio Ipil, Barrio Magallanes, Cajidiocan, Romblon at nagkaroon ng limang anak (5). Ito ay sina Exzequiel, Sixto Tatoy “Tito”, Cristina (birth, 1906), Salvador at Moises (birth, 1912).
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan (WWII), si Lolo Exzequiel ay pinugutan ng ulo ng mga Hapon sa Sibuyan. Siya ay naging isang sakristan sa bayan ng Magdiwang. Samantala, si Lolo Sixto Tatoy o Tito naman ay napadpad sa Bangar, La Union at doon na nakapag-asawa. Gaya ng kanyang mga pinsan, sinasabing si Lolo Tito ay isa ring magbubukid noong panahon ng pag-aani gaya ng palay, atbp. at dumadayo pa sa malalawak na kapatagan sa iba’t ibang dako ng bansa. Pinili naman ni Lolo Moises na manirahan sa Brgy. Ipil, Magdiwang, Romblon kasama ang kanyang asawa na si Maria Marin Roxas. Ayon kay Menandro “Bong” Montojo Moral, apo ni Lolo Moises “ si lolo ay laging naiimbetahan ng Hermana Mayor tuwing may kapistahan bilang tagasadula ng Moro-moro.”
Placida Arciaga Moral- Si Lola Placida Arciaga Moral ay ipinanganak sa Brgy. España, Azagra, Romblon noong circa 1866. Siya ay pampito (7th) sa magkakapatid at isa sa dalawang anak na babae ng mag-asawang Don Fernando at Doña Agripina. Siya ay nakapag-aral sa Maynila at napangasawa si Sotero Jaylo Cambalo, tubong Bulan, Sorsogon noong circa 1888. Si Sotero ay isang Chinese Mestizo. Napili ng mag-asawa ang manirahan sa Bulan, Sorsogon at nagkaroon ng mga anak. Ayon kay Atty. Antonio G. Moral, apo ni Placida, ito ay sina Nazario, Sr., Braulio, Simeona, Yreberta at Inez. Karamihan sa kanilang mga anak ay laking Muntinlupa, Rizal (parte na ngayon ng NCR o National Capital Region) at doon na nakapag-aral. Lingid sa kaalaman ng lahat, naging mahirap ang seguridad sa pamilya nina Sotero at Placida dahil noong araw naging wanted sa kamay ng gobyernong Espanyol ang angkan ng mga Jaylo dahil ito ay natuklasan na kasapi sa revolutionary government. Ginamit ni Lolo Sotero ang apelyidong Moral bilang pamalit sa apelyidong Jaylo (Hay.lo) samantalang Arciaga naman ang ginamit ni Lola Placida sunod sa kanyang ina. Ayon kay Atty. Antonio G. Moral (2014), apo ni Lola Placida, “Ginamit ng mag-asawa ang apelyidong Moral dahil noong araw sa pagitan ng taong 1870’s-1880’s, tinutugis ang mga Jaylo ng mga Espanyol. Ginamit ni Lolo Sotero ang apelyidong “Moral” upang hindi na sila tugisin ng mga ito. Ang apelyidong ito kasi ay isang Espanyol na kung saan ang matriyarka ni Nazario Arciaga Moral, Sr (na ang tinutukoy ay si Lola Placida) ay may dugong Moral na nakabase sa Madrid, Espanya.” Napangasawa ni Nazario Arciaga Moral, Sr. si Agustina Pangilinan Galang na tubong Pampanga. Dito sila nanirahan at nagkaroon ng labing-isang (11) anak pero karamihan ay ipinanganak sa San Miguel, Maynila. Si Lolo Nazario ay naging post man sa Manila Central Post Office at nakapagbyahe pa ito papuntang Hongkong noong araw. Siya rin ay naging Spanish teacher sa isang paaralan sa Maynila. Namatay siya noong 1960. Napangasawa naman ni Simeona Arciaga Moral, anak ni Placida, si Marcelo Ramos na naging miembro ng revolucion noong araw.
Serapion Arciaga Moral- Si Lolo Serapion ay ipinanganak sa Brgy. España, Azagra, Romblon. Siya ay pangwalo (8th ) sa magkakapatid at nakapag-aral din sa Maynila. Laki siya ng Sibuyan at napangasawa si Marciana Miñon Montesa na tubong Badajoz, Romblon (kilala ngayon bilang bayan ng San Agustin sa isla ng Tablas). Si Lola Marciana ang kauna-unahang miyembro ng Seventh Day Adventist sa nasabing bayan. Isa siya sa pitong anak ni Esteban Montesa (tubong isla ng Romblon) na nakapag-aral sa Maynila. Ang iba pa niyang (Marciana) kapatid ay sina Teodora, Juan, Domingo, Fidela, Pedro at Felipe.
Nanirahan ang mag-asawang Serapion at Marciana sa Sitio Agutay, Barrio de Magallanes ( ngayon ay bayan ng Magdiwang), Cajidiocan, Romblon at nagkaroon ng sampung anak. Ito ay sina Pacifico, Sr. (panganay), Felisa, Olpiano, Isaac, Sr., Jose, Galicana, Isidoro, Rita, Fe at Juan (bunso). Hindi naglaon, bago ang digmaan noong 1941 lumipat ang mag-asawa sa isla ng Tablas kasama ang kanilang mga anak at ilang mga pamangkin. Sila ay nanirahan noon sa isang lugar na tinatawag na Humaguichic “hango sa tunog ng isang kabayo” na bahagi ng bayan ng Badajoz. Dito nakabili ang pamilya ni Lola Marciana ”Sanang” Montesa ng mga malalawak na lupain. Sinasabing isa ang lugar na ito noon sa may malalawak na pinagtataniman ng mga mayayabong na puno sa bayan ng Badajoz at tinawag na isla ng Tablas ang lugar (hango sa salitang “tabla” o pinakinis na kahoy). Ito ang kanilang ginagamit noon sa paggawa ng bahay, mga bangka at iba pa.
Lalong lumawak ang naging pag-aari ng angkan ng Moral sa Humaguichic noong nakapag-asawa si Pacifico Muleta Moral, Jr. , apo ni Serapion, ng isang dilag na tubong isla ng Romblon. Siya ay kilala bilang si Doña Juana na mula sa isang mayamang angkan. Bumili ito ng mga lupain na halos sakupin na ang buong Brgy. Doña Juana, dating lugar ng Humaguichic, sa bayan ng Badajoz. Saklaw nito ang mga lupain mula sa gilid ng dagat na bahagi ng Romblon Strait hanggang sa kabundukan ng nasabing barangay. Hindi nagtagal dumami na rin ang mga tao rito at bilang alaala, ipinangalan sa kanya ang nasabing barangay. Namatay si Lolo Serapion sa Brgy. Doña, Juana, Badajoz, Romblon.
Antonio Arciaga Moral, Sr.- Si Lolo Antonio Arciaga Moral, Sr. ay ipinanganak noong circa 1869 sa Brgy. España, Azagra, Romblon. Siya ay bunso o menopausal baby sa magkakapatid. Bata pa siya noong namatay ang kanyang ina na si Lola Agripina kung kaya’t naging guardian niya ang isa sa kanyang nakakatandang kapatid na si Carlos sa Brgy. Ipil, Magdiwang, Romblon. Lumaki siya sa Sibuyan at napangasawa ang isang dilag mula sa angkan ng mga Castillo. Nagkaroon sila ng pitong (7) anak. Ito ay sina Antonio, Jr. (b. 1908), Andres, Lucresio, Salvacion, Adelaida, Elaidia at Severo.
Noong araw, naging aktibo rin ang mga anak ni Lolo Antonio, Sr sa pagbubukid kasama ang kanilang mga pinsan. Ito ay panahon ng pag-aani kung saan naging mahirap na ang pamumuhay sa probinsiya ng Romblon. Kasama ang kanilang mga pinsan, ang tatlo (3) rito ay napadpad sa Dinalungan, Aurora at ang apat ay napadpad naman sa Bongabong, Oriental Mindoro. Namatay si Lolo Antonio Arciaga Moral, Sr. sa isla ng Sibuyan.